Nais kong marinig
Ang tinig mong kay tamis
Sa gitna ng gulo at panganib
Ang galit sa puso ko'y
Napapawi pag gumuhit sa isip
Ang 'yong mukhang tulad ng...

Langit, puno ng pag-ibig
Langit dito sa'yong tabi

Ang dating umagang makulimlim
Ngayo'y may sikat ng araw
Mong may pag-asa
Sana'y di maihip ng hangin
Ang dala mong liwanag
Sa aking mundong kay...

Lupit, babalot sa dilim
Oh, langit dito sa'yong tabi

La-lalalala-lala lalala-lala

Ang dahas ng aking nakaraaan
Pilit ko nang kalimutan
Langit at lupa ay nagsanib
Abot ko ang mga bituin...

Sa langit ikaw ang pag-ibig
Oh, langit dito sa'yong tabi
Langit, ikaw ang pag-ibig
Oh, langit, langit sa'yong tabi...

Lalalala-lalala, langit...
Langit sa'yong tabi
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Langit Sa Yong Tabi Lyrics

Jay Durias – Langit Sa Yong Tabi Lyrics

More Jay Durias lyrics