Binibini, sa aking pagtulog
Ika'y panaginip ko
Panaginip ng kathang dakila nitong pag-iisip ko
Ang katulad mo raw ay birhen
Sa abang altar ng purong pag-ibig
O kay ganda, o kay gandang mag-alay sa 'yo...

Alaala, pag-isip at pagod
Sa 'yo'y binigay ko raw
Binibini ang aking dalangi't dasal dininig mo raw
Wika mo raw, iingatan ko
Magpakailan man ang purong pag-ibig
O kay ganda, o kay gandang mag-alay sa 'yo...

[Refrain]
Sa 'king tanaw magkatotoo kaya
Sagot mo, para nang sinadya
Pagsapit ng magandang umaga
Ako'y bumalikwas din
Panaginip, naglaho, natunaw
Ngunit nar'yan ka pa rin
Paraluman ikaw ay akin
Sa bisang lakas ng purong pag-ibig
O kay ganda, o kay gandang mag-alay sa 'yo...

O kay ganda, o kay gandang mag-alay sa 'yo...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Binibini Lyrics

Introvoys – Binibini Lyrics