Naranasan mo na bang
Gumising na kailangang
Gapangin ang gulo?

Lungkot na 'yong dala.
Tila sumpa
Mabigat pa sa iyo

Ihahatid kita
Sa dulo ng pangakong sisirain mo

Maiiwan akong nakakakapit
Maiiwan akong pinipilit agawin
Ang huling yakap ng mundo

Matagal ko ng lulan
Ang 'yong pag-aalangan
At muli kang bibitaw

Marami kang gusto
Kasama ba ako
Sa puwang sa buhay mo

Itatawid kita
Sa dulo ng pangakong babasagin mo

Maiiwan akong nakakakapit
Maiiwan akong pinipilit agawin
Ang huling yakap ng mundo

Maiiwan akong nakakakapit
Maiiwan akong pinipilit
Maiiwan akong nakakakapit
Maiiwan akong pinipilit agawin
Ang huling yakap ng mundo
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Ang Huling Yakap Ng Mundo Lyrics

Imago – Ang Huling Yakap Ng Mundo Lyrics