Sa hating gabing kabilugan ng buwan
Ikaw ay nahihimbing
Sa inyong bubong may kaluskos
Na sa iyo'y gumising

Akala mo ay magnanakaw
Yun pala ay manananggal

Si Kumander Bawang ang iyong kailangan
Si Kumander Bawang iyong maaasahan
Si Kumander Bawang tunay na matapang
Kalaban ng mga aswang

Sa hating gabing kabilugan ng buwan
Ginising ka ng awitan
May humihiling, nakikiusap
Bintana mo sana'y buksan

Akala mo'y naghaharana
Yun pala'y mga bampira

Si Kumander Bawang ang iyong kailangan
Si Kumander Bawang iyong maaasahan
Si Kumander Bawang tunay na matapang
Kalaban ng mga aswang

Si Kumander Bawang teror sa maligno
Si Kumander Bawang kaaway ng impakto
Si Kumander Bawang siya'y ating kaibigan
Kalaban ng mga aswang

(Instrumental)

Pagkalat ng kadiliman
Pintuan ay 'wag bubuksan

Si Kumander Bawang ang ating kailangan
Si Kumander Bawang ating maaasahan
Si Kumander Bawang tunay na matapang
Kalaban ng mga aswang

Sa hating gabing kabilugan ng buwan
Naisip mong magtanan
Doon sa may ilog hihintayin ka ng giliw mong mahal
Pagsapit mo roon sa tagpuan
Tikbalang ang naghihintay

Si Kumander Bawang ang iyong kailangan
Si Kumander Bawang iyong maaasahan
Si Kumander Bawang tunay na matapang
Kalaban ng mga aswang

Si Kumander Bawang teror sa maligno
Si Kumander Bawang kaaway ng impakto
Si Kumander Bawang siya'y ating kaibigan
Kalaban ng mga aswang

Kumander Bawang!
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Kumander Bawang Lyrics

Herbert Bautista – Kumander Bawang Lyrics

More Herbert Bautista lyrics