Noong una kang makita, aking naalala
Ako'y nakadama ng saya
Ang nais ko'y makita
Ang nais ko'y mayakap
Ngunit alam kong ako'y isa lamang
Sa libo-libong taong humanga sa'yo

O aking kaibigan, na aking pinapangarap,
Di mo man ako kilala, o di man nakasama
Sa iyong pag-alis, isa lang ang nais kong sabihin
Maraming salamat
Sana naman ikaw ay okay na
Sa piling ng Ama.

Wag kang mag-alala, kahit wala ka na
Nagiisa ka at naiiba
Maging masaya ka, yan ang aking dalangin
Sana naman ako'y maalala
Sabihin sa Ama,
Na ako'y iyong taga hanga.

O aking kaibigan, na aking pinapangarap
Di mo man ako kilala, o di man nakasama
Sa iyong pag-alis, isa lang ang nais kong sabihin
Miss na miss kita
Ngunit alam kong ikaw ay okay na
Sa piling ng Ama.

Mawala ka man dito sa mundo,
Ngunit hindi sa nagmamahal sa'yo...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Maraming Salamat, Kaibigan Lyrics

Glen Sanchez – Maraming Salamat, Kaibigan Lyrics

More Glen Sanchez lyrics