Sa hirap ng buhay
Balita ko'y nais mong bumigay
Sa tindi ng problema
Nais mo raw bumitaw
Huwag kang mawawalan ng pag-asa
Hindi ka nag-iisa
Sa hirap at ginhawa
Kaibigan may kasama ka
Kahit na anong pagsubok
Kahit na ano pa'ng dumating
Kahit na kahapon mo'y kay dilim
Araw ay sisikat din
Kaibigan ba't hindi ka magdasal
Isiping laging may nagmamahal
Tunay na magkaibigan
Walang iwanan
Kumulog, bumagyo, makalbo man ang ulo
Lumahar, kumidlat, tumaba o pumayat
Tumanda, bumaha, iwan ka man ng iyong asawa
Hindi ka nag-iisa
Kaibigan may kasama ka
(Kaibigan, may kasama ka)
Malayo man ang pangarap
Maaabot mo rin
Basta't ika'y magsikap
Malayo ang mararating
Huwag lang mawawalan ng pag-asa
Hindi ka nag-iisa
Sa hirap at ginhawa
Kaibigan may kasama ka
Kumulog, bumagyo, makalbo man ang ulo
Lumahar, kumidlat, tumaba o pumayat
Tumanda, bumaha, iwan ka man ng iyong asawa
Hindi ka nag-iisa
Kaibigan may kasama ka
(Kaibigan, may kasama ka)
Kumulog, bumagyo, makalbo man ang ulo
Lumahar, kumidlat, tumaba o pumayat
Tumanda, bumaha, iwan ka man ng iyong asawa
Hindi ka nag-iisa
Kaibigan may kasama ka
(Kaibigan, may kasama ka)
Laging may kasama ka
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

May Kasama Ka Lyrics