Kung ika'y lilisan giliw ko
Tanging pakiusap ko sa iyo
Ay ipagpaliban at ako'y hayaang
Sumaya man lamang sa pasko

Kung ako'y iiwan giliw ko
Ang huling hiling ko lang sa iyo
Ay isang alaala na tayo'y maligaya
Sa huling paskong kapiling ka

Kahit papano
Ay mangangarap at mananabik
Ng isang regalo,
Isang yakap at isang halik

Alang-alang sa ating kahapon
Hintayin mo na'ng bagong taon
At bakasakaling mayron pang mangyari
Magbabago pa ang panahon

Kahit papano
Maiuuwi ko sa pamamasyal
Isang litrato
Ng kumukupas na pagmamahal

Alang-alang sa ating kahapon...

Happy new year pag nagkataon!
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Huling Hiling Lyrics

Gary Granada – Huling Hiling Lyrics