[Verse 1]
Kay sakit naman isipin na
sa puso mo ako'y pangalawa
sa tuwing makikita kitang kasama siya
pinipikit ko ang aking mga mata
at sa gabing kasama mo siya
halos hindi ako makahinga
kayakap ko ang bote ng tequila
nagmumukmok sa ibabaw ng lamesa
naghihintay hanggang sumapit ang umaga
nang muli kang makasama

Ano ating lagay, hindi mapalagay
ako'y nasasaktan pag hawak mo kanyang kamay
sa kanya ka sa tanghali, akin ka sa gabi
pagdilat sa umaga yo! wala kana sa tabi
merong kahati, gusto kita na mapasakin
kung pwede lang ba sana sa kanya kita nakawin
at lagi mong iisipin kung hindi ka para sakin
wag mo lang makalimutin na ika'y mahal ko rin

[Chorus]

Sa puso koy nag-iisa
kahit merong iba kahit hindi tama ang ginagawa sinta
basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya

At wag ng mangamba
kahit sabihin na kalimutan ka di ko to makakaya
basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya

[Verse 2]
It really hurts
ang magmahal ng ganito
kung sino pang pinili ko hindi makuha ng buo
hanggang ganun na lang nga
kailangan ko tong tanggapin
na sa puso mo meron na ngang ibang umaangkin
at alam ko na rin na mayroon nang nagmamayari
sa pag ibig sa iyo ako itong nakikihati
at ano man ang mangyari 'di ko kayang manumbat
at kahit pa ilihim mo ako sa lahat
gaano man kabigat sa puso ko itong aminin
hindi dadaing wag ka lang mawalay sa akin
masakit man na isipin na ako ang nanghiram
kaya pinasya mong huwag na ngang ipaalam
at kahit hindi to tama ako ay sumugal
kahit pa nga alam kong mayroon kang ibang mahal
binigay ko ang lahat kahit ganto ang natamo
sa pag-ibig nang iba ngayon ako'y nakikisalo

[Chorus]

Sa puso koy nag-iisa
kahit merong iba kahit hindi tama ang ginagawa sinta
basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya

At wag ng mangamba
kahit sabihin na kalimutan ka di ko to makakaya
basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya

[Verse 3]
Sa situwasyon natin na'to di ko alam kung san tutungo
alam ko mahirap pag mali pero mahirap rin isuko
paano ko masusuot sing-sing sayo na dala
kung sa paglalagyan nito meron na palang na una
nung nakilala mo ako, di ko binalak manggulo
gusto ko lang mapatunayan na ika'y mahal ko
yung binuo ang buhay ko sa mga nakaw na saglit
kahit ang tawag lang sa akin ay dihamak na kabit

Oo nga ika'y sa akin at ako'y sa iyo
at ikaw din sa kanya at siya din ay sa iyo
yan ay aking tinanggap para makasama ka lang
pero sana wag sabihin na nakasama ka lang
pero sana rin wag tayong dumating pa dyan
tiisin ko ang lahat 'di basta wag lang yan
kahit na ang alam kong mahirap 'tong tanggapin
na mas nauna siya sayo kesa sa akin

[Chorus]

Sa puso koy nag-iisa
kahit merong iba kahit hindi tama ang ginagawa sinta
basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya

At wag ng mangamba
kahit sabihin na kalimutan ka di ko to makakaya
basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Kabet Lyrics

Gagong Rapper – Kabet Lyrics