Sa puso't isipan
Nadaramang ikaw
Ang tanging pangarap ko
Maging sa panaginip
Ay palaging naiisip
Kailan kaya
Damdamin ko'y mababatid

Ang nais ko'y liparin
Ang kalawakan na
Sadya't iyong pinagmulan
Baka sakali na
Mapansin mo saglit man lamang
At ng malaman mo itong pagmamahal

Isama mo ako
Sa daigdig mo na kay ganda
Nang 'di lang sa
Panaginip ay kapiling ka
Kung makikita mo
Nilalaman ng puso ko
Isang pagmamahal
Sadyang para lang sa 'yo

Ang nais ko'y liparin
Ang kalawakan na
Sadya't iyong pinagmulan
Baka sakali na
Mapansin mo saglit man lamang
At ng malaman mo itong pagmamahal

Isama mo ako
Sa daigdig mo na kay ganda
Nang 'di lang sa
Panaginip ay kapiling ka
Kung makikita mo
Nilalaman ng puso ko
Isang pagmamahal
Sadyang para lang sa 'yo

At kung kailangan mo
Ng isang tunay na kaibigan
Para sa 'yo ang puso ko
Ay laging bubuksan
Pag-ibig na nadarama'y
Hanggang sa kailanman
Tanging sa 'yo ito'y aking ilalaan

Isama mo ako
Sa daigdig mo na kay ganda
Nang 'di lang sa
Panaginip ay kapiling ka
Kung makikita mo
Nilalaman ng puso ko
Isang pagmamahal
Sadyang para lang sa 'yo
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Isama Mo Ako Lyrics

Frencheska Farr – Isama Mo Ako Lyrics