Rosas ang katulad mo
Namumukod sa hardin
Ang iyong kabanguhan
Pinapangarap maangkin
Buhat ng makita ka
'Di na kita malimutan
Sa aking pag-iisa
Laging laman ng isipan

Kailan mo mapapansin
Pag-ibig kong inaalay
Sana ay pagbigyan mo
Ang puso kung naghihintay

Nais kong malaman mo
Na ang pagibig ko'y tunay
Kung ako'y mabibigo
Aanhin pa itong buhay

Giliw sabihin mo
Na ako'y iyong mahal
Ako'y ibigin mo
Habang nabubuhay

Nais kong malaman mo
Na ang pag-ibig ko'y tunay
Kung ako'y mabibigo
Aanhin pa itong buhay

Giliw sabihin mo
Na ako'y iyong mahal
Ako'y ibigin mo
Habang nabubuhay

Rosas ang katulad mo
Namumukod sa hardin
Ang iyong kabanguhan
Pinapangarap maangkin
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Rosas Lyrics