Chorus:
Sa lahat ng bagay salamat po sa 'Yo
Sa saya at lumbay, salamat po
Sa hirap o tagumpay
Maraming maraming salamat
At sa pag-ibig Mo, salamat po

I.
Kahit na kami nagkasala
Nadama dampi ng 'Yong awa
Naligtas sa 'Yong biyaya
Inibig Mo at pinagpala
Kung kaya't 'di malilimutan
Na Ikaw ay pasalamatan
Kahit na anong kalagayan
Salamat po'y 'di mahahadlangan

Ii.
Sapagkat kahit ni minsan
Biyaya Mo'y hindi nagkulang
Sa gitna man ng kahirapan
Kalinga Mo ay makakamtan
Kung kaya sa lahat ng oras
Sa Iyo'y magpapasalamat
Hawak Mo ang bawat bukas
Salamat po'y 'di magwawakas
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Salamat Po Lyrics

Euryville Requio – Salamat Po Lyrics

More Euryville Requio lyrics