Ang pag-ibig ay sadyang ganyan
Tiwala sa isa't-isa'y kailangan
Dati mong pag-ibig wala akong pakialam
Basta't mahal kita kailanpaman

'Wag kang mag-isip ng ano pa man
Mga paliwanag mo'y di na kailangan
At kahit ano pa ang iyong nakaraan
Mamahalin kita maging sino ka man

[CHORUS]
Mahal kita, pagka't mahal kita
Iniisip nila ay hindi mahalaga
Mahal kita maging sino ka man

Mali man ang ikaw ay ibigin ko
Ako'y isang bulag na umiibig sa 'yo
At kahit ano pa ang iyong nakaraan
Mamahalin kita maging sino ka man

[REPEAT CHORUS 2X]

Mahal kita maging sino ka man
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Maging Sino Ka Man Lyrics

Erik Santos – Maging Sino Ka Man Lyrics