1st verse:
May kumakalat na balita
Na ang misis ni kuwan ay madaling makuha
Bago maniwala mag-isip-isip ka muna
Marami ang namamatay sa maling akala

2nd verse:
Nung akoy musmos pa lamang ay takot sa multo
Nung akoy naging binata, sa erpat ng syota ko
Ngayon ay may asawa, meron ng pamilya
Wala namang multo ngunit takot sa asawa ko

Refrain:
'Di mo na kailangang mag-alinlangan
Kung tama ang gagawin mo
Basta't huwag kalimutang magdahan-dahan
Kung 'di sigurado sa kalalabasan, kalalabasan ng binabalak mo

Chorus:
Maliit na butas lumalaki
Konting gusot dumadami
Hindi mo maibabaon sa limot at bahala
Kapag nabulag ka ng maling akala

3rd verse:
Nasa'n na ba ako?
Kaninong kama 'to?
Ilang ulit na bang nagigising sa ibang kwarto?
Naglalayas sa bahay akala madali ang buhay
Ngayon ay nagsisi dahil 'di nakapagtapos

[Repeat Refrain]

[Repeat Chorus]

Coda:
Mga kumakalat na balita
Na ang kaligtasa'y madaling makuha
Bago maniwala, mag-isip-isip ka muna
Marami ang namamatay sa maling akala

[Repeat Chorus]
{Sa maling akala}
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Maling Akala Lyrics

Eraserheads – Maling Akala Lyrics