Heto na naman, panahon ng tag-ulan
Di maiiwasan, sa buhay nino man
Tulad mo rin ako
Isang pulo sa dagat na walang hanggan
Naghahanap ng masisilungan

Sa dinami-dami ng lugar
Dito pa nagkita
Gaano nga ba katagal?
Ako'y tumatanda na

Pagkakataong tulad nito
Di dapat pinapalampas
Sabay nating harapin
Ang pag-asa ng bukas

Itaas ang kamay at iwagayway
Masarap mabuhay
Itaob na ang tagay
Saan ka man pumunta
Meron man o wala
Diyan nagsisimula
Ang wasak na pagsasamahan

Pagkakataong tulad nito
Di dapat pinapalampas
Sakit na dinadala
Isa lang ang ating lunas

Itaas ang kamay at iwagayway
Masarap mabuhay
Itaob na ang tagay
Saan ka man pumunta
Meron man o wala
Diyan nagsisimula
Ang wasak na pagsasamahan

Itaas ang kamay at iwagayway
Iwagayway
Iwagayway
Itaas ang kamay at iwagayway
Mail  |  Print  |  Vote

Wasak Waltz Lyrics

Ely Buendia – Wasak Waltz Lyrics

More Ely Buendia lyrics