Ikaw ang lahat sa akin
Kahit ika'y wala sa aking piling
Isang magandang alaala
Isang kahapong lagi kong kasama

Ikaw ang lahat sa akin
Kahit ika'y di ko dapat ibigin
Dapat ba kitang limutin
Pano mapipigil ang isang damdamin
Kung ang sinisigaw
Ikaw ang lahat sa akin

At kung hindi ngayon ang panahon
Upang ikaw ay mahalin
Bukas na walang hanggan
Doo'y maghihintay pa rin

Ikaw ang lahat sa akin
Sa maykapal aking dinadalangin
Dapat ba kitang limutin
Pano mapipigil ang isang damdamin
Kung ang sinisigaw
Ikaw ang lahat sa akin

At kung hindi ngayon ang panahon
Upang ikaw ay mahalin
Bukas na walang hanggan
Hanggang matapos ang kailan pa man
Bukas na walang hanggan
Doo'y maghihintay pa rin

Pano mapipigil ang isang damdamin
Kung ang sinisigaw
Ikaw ang lahat sa akin

At kung hindi ngayon ang panahon
Upang ikaw ay mahalin
Bukas na walang hanggan
Hanggang matapos ang kailan pa man
Bukas na walang hanggan
Doo'y maghihintay

Maghihintay... Pa rin
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Ikaw Ang Lahat Sa Akin Lyrics

Ella Mae Saison – Ikaw Ang Lahat Sa Akin Lyrics