Minsan para bang nagiisa ako
Naghahanap ng lugar sa kay laking mundo
Di alam kung kakayanin, bawat kong pasanin
Ng bigla na lang ikaw ay dumating
Dati'y isa ka lang bituin nais kong abutin
Isang talang gabay sa gitna ang dilim
Magkalayo man ang mundo, ako'y naririto
Pagibig ang tulay na naghatid sa kin sayo
*Hulog ka ng langit sa marunong maghintay
Ikaw ang dinarasal buong buhay
Hulog ka ng langit, kahit di mo man batid
Sa yo lamang ang aking pagibig
Ngunit kung di pa ngayon ang panahon
Parang buhay ay di na malito
Maghihintay pa ba ako, o kusang lalayo
Pagibig ko sa yo'y mauuwi lang bang bigo
Repeat *
Ngunit sa king puso'y dito ka naninirahan...
Repeat *
Aking panaginip, ika'y lumilipad sa kalawakan
Ngunit sa king puso'y dito ka naninirahan...
Repeat *
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Hulog Ka Ng Langit Lyrics

Dennis Trillo – Hulog Ka Ng Langit Lyrics