Larawan mo sa 'king kamay
Puno ng pag-asa
May pangakong inaalay
Pangakong babalik ka

Ngunit sa bawa't gabi
Hindi mapalagay
Dahil may nagsasabing
Wala na ang tulay

Ngayon, sa t'wing sumisigaw
Pusong giniginaw
Iyo bang nadarama?

At kung ika'y mawawala
Makakaya ko ba
Ang 'yong paalam, ang 'yong paalam

Bakit ba nagpakita ka

Para maglaho lang?
Magparamdam ka naman
Kahit na sandali lang

Ikaw ang hangin at ulan
Ikaw ang buhay ko
Kung ika'y mawawalay
Paano na ako?

Ngayon, sa t'wing sumisigaw
Pusong giniginaw
Iyo bang nadarama?

At kung ika'y mawawala
Makakaya ko ba
Ang 'yong paalam, ang 'yong paalam

Larawan mo sa 'king kamay
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Ang Iyong Paalam Lyrics

Dawn – Ang Iyong Paalam Lyrics