[Verse 1]
'Pag nakikita ko ang mga ulap,
Naaalala kita.
Kapag may bulaklak sa mesa,
Naaalala kita.
Kapag, umuulan at ako'y nanlalamig,
Pagsapit ng gabi sa awit ng kuliglig.
'Pag pumito nanaman ang guwardiya,
Naaalala kita.

[Chorus]
'Pagka't ikaw ang parati kong naaalala.
At sa oras-oras kong hiling na, makasama.
'Pag gising, 'pag antok, 'pag nananaginip.
'Di ako magsasawa sa'yo.
Ang pag-ibig mo ang tibok ng puso ko.

[Verse 2]
Kapag ham nanaman ang ulam,
Naaalala kita.
Kahit sa pagsakay at baba ng jeep,
Naaalala kita.
Kapag bagong allowance at wala nang pamasahe,
Maghahanap ng trip sa panonood ng sine.
Kapag ang palabas ay drama,
Naaalala kita.

[Chorus]
'Pagka't ikaw ang parati kong naaalala.
At sa oras-oras kong hiling na makasama.
'Pag gising, 'pag antok, 'pag nananaginip.
'Di ako magsasawa sa'yo.
Ang pag-ibig mo ang tibok ng puso ko.

[Bridge]
'Pag nababasa ko ang mga sulat mo,
Minsan ay napapaluha 'ko.
Pag-ibig sa bawat bersikulo,
'di mauubusan ng alaala sa'yo.

Kapag dumadaldal ka at wala nang masabi,
Kahit 'di ko alam kung ano ang mangyayari.
Andito 'ko, at nand'yan ka.
Naaalala kita.

[Chorus]
'Pagka't ikaw ang parati kong naaalala.
At sa oras-oras kong hiling na makasama.
'Pag gising, 'pag-antok, 'pag nananaginip.
'Di ako magsasawa sa'yo.
Ang pag-ibig mo ang tibok ng puso ko.
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Naaalala Lyrics

Daniel Padilla – Naaalala Lyrics