Parating sa silangan ang hari ng digmaan
Ang lakas niya at tapang haligi ng kaharian
Inuwing katarungan sa atin ay iniwanan
Ating pagsaluhan ang tagumpay sa kadiliman

Walang hanggang awitan
Sinisigaw sa kadiliman
Walang hanggang awitan
Isinisigaw ng bayan ay iyong pangalan

Bakas ng kahapon ay kalimutan
Lihim ng umaga'y ipagdiriwang
Tumanaw sa kanluran ano itong katahimikan
Humanda nang lumaban hanggang sa kamatayan

Walang humpay na makipaglaban
Sigaw ng sandatahan ay digmaan
Awit ng kahapon ay natigilan
Sisikat ang araw sa kapatiran

Binukang kalangitan amang makapangyarihan
Ang sandata niyang tangan magliligtas sa katauhan
Awit ng kahapon ay natigilan
Sisikat ang araw sa kapatiran
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

At Muling Sumikat Ang Araw Lyrics

Dahong Palay – At Muling Sumikat Ang Araw Lyrics