Simula nung makita at makilala ka
Ang sabi ko ikaw na sana ang
Siyang makasama ko habang buhay
Sana ikaw na ang makatuluyan ko
Sana ikaw ang aking tadhana
Ikaw lang ang siyang iibigin kahit tayo may tumanda na

Ayoko ng mawalay pa sayo
Kasi sa'yo lang umiikot ang aking mundo
Kaso 'pag nandyan ka, ako'y nanginginig na
Di mo lang alam pag nandyan ka, ako'y kinikilig na
Di maipaliwanag ang nadarama ko
At di ko mapigilan itong pagdadrama ko
At pagpasenyahan mo na 'pag kausap ka ako'y nauutal
Ganun lang talaga siguro pagkat ikaw'y aking minamahal
Pero ngayon ay oras na para sabihin sa'yo na iniibig kita

Chorus:
Oras na para ipagtapat sa'yo
Ang matagal ko ng itinatago sa puso ko
Di ko na kayang pigilan pa ang damdamin ko
Para sa iyo sana'y malaman mo
Na ikaw ay iniibig ko

Ikaw lang ang aking buhay
Sa'yo ko lang iaalay
Ang tunay kong pagmamahal
Sana balang araw tayo ay makasal
Oh oh. Sa'yo ko lang naramdaman
Kaya ako'y nandito para iparating sa'yo
Na ikaw ang tanging mahal ko
Sa tuwing dadaan ka
Kapag ikaw ay nakadungaw sa bintana
Ganda ng iyong dalawang mata
Yan ay hindi ko alintana
Ito na siguro ang tama para masabi ko na
Ang nararamdaman sa'yo di ko mapigilan na
Kaya kailangan ko nang ipagtapat ang lahat kahit
Di sapat pero kailangan dahil ito ang dapat para
Malaman mo aking nadarama sa'yo ay tunay
Nang dahil sa'yo mundo ko'y nagkaroon ng kulay

(Repeat chorus)

Ito na ang tamang oras at ayaw ko ng lumipas pa
At 'pag aking nasabi na sana 'wag ng matapos pa
Gusto ko lang malaman mo na ikaw ang mahalaga
Dito sa puso ko ay iniingat-ingatan ka
Nung una di ko alam kung pano ko sisimulan
At sabihin ang lahat ng aking nararamdaman
Pero ngayong ako'y handa na para sabihin ang lahat
Sayong mahal kita at akin yang ipagtatapat

Ipagtatapat ko sa iyo na ikaw lang ang siyang iniibig ko
At palagi ka sa isip ko ikaw ang siyang bukang bibig ko
Hindi ko kailangan ang kayamanan
Pagkat puso mo ang tangi kong inaasam
Hu hu magaan ang lahat ng aking mga pasan
Kapag ikaw ay katabi, umiinit ang gabi
Lumalagablab ang puso ko sa'yo

(Repeat chorus 4x)
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Oras Na Lyrics

Curse One – Oras Na Lyrics