Alas tres na ng madaling araw
Pero heto ako gising na gising
Pagkat di ko maalis sa isip ko
Di ko alam ano bang dahilan
Kung bakit ba di ako makapagsalita Sa tuwing lalapit ka

Ang lakas ng tama ko sa iyo
Ako ay ginayuma mo
Puso ko'y nananahimik
Bakit ba ninakaw mo
Gusto kong malaman mo
Na ikaw ay iniibig ko

Nicka ako ay inlove sa yo
Nicka ako ay nabihag mo
Araw-araw nais na makita ka nicka
Addick na ako sayo Nicka
Nicka ako ay inlove sa yo
Nicka ako ay nabihag mo
Araw-araw nais na makita ka nicka
Addick na ako sayo Nicka

Di kompleto ang araw ko
Pag hindi ka nasilayan
Oo nahulog ako sayo
Nang hindi ko namalayan Nicka
Kapag nandyan ako ay parang
Di tumatakbo ang oras pagkat
Ikaw ang gusto makasama
Kung pwede nga lang
Sana di na ako umuwi ng bahay
Kaso papagalitan ako ng
Aking nanay
Ayos lang naman sa akin
Bumiyahe palagi
Di ako mapapagod
Makita lang kita ate
Kahit walang masabi sa harap mo
Ok lang sa akin kahit ako ay pagtawanan mo
Kase pag nandyan ka na
Ang lakas ng kaba
Ikaw ang iniibig ko naniniwala kaba
Sana pareho na lang tayo
Nang nadarama
Bawat araw na lumilipas ay lumalala
Itong damdamin kong
Mananatiling totoo
Sana pagdating ng bukas
Maging ikaw at ako

Nicka ako ay inlove sa yo
Nicka ako ay nabihag mo
Araw-araw nais na Makita ka nicka
Addick na ako sayo Nicka
Nicka ako ay inlove sa yo
Nicka ako ay nabihag mo
Araw-araw nais na makita ka nicka
Addick na ako sayo Nicka

Ako ay lumulutang sa hangin
Kapag nakikita ang
Matamis na ngiti mo
Nicka...
Ano bang dapat gawin
Ng isang katulad ko na
Sayo'y may pagtingin

Alam kong torpe ako
Di makapagsalita
Kapag katabi ka na biglang natutulala
Parang ang boses ko ay nawawala
Pero dito sa kanta susulat ko na lang
Kasi ako'y natataranta
Pag nandyan ka na
Di alam ang gagawin
Mga sinasabi ko sana'y wag mong masamain
Kasi alam mo naman
Ikaw ang nilalaman ng
Bawat kilos ko at galaw
Sigaw ng puso ko'y ikaw
Sana'y malaman mong merong
Isang taong laging nag-aabang sayo
Masulyapan ka lang sa bahay niyo
O sa labas ng bahay niyo
Kahit sa eskinita makita lang kita Nicka masaya na ako
Aking mundo ay iyong binago
Sana balang araw
Mabigyan ng pagkakataon
Ang pag-ibig ko'y maipadama
Sayo at maituon

Nicka ako ay inlove sa yo
Nicka ako ay nabihag mo
Araw-araw nais na Makita ka nicka
Addick na ako sayo Nicka
Nicka ako ay inlove sa yo
Nicka ako ay nabihag mo
Araw-araw nais na makita ka nicka
Addick na ako sayo Nicka
Nicka ako ay inlove sa yo
Nicka ako ay nabihag mo
Araw-araw nais na Makita ka nicka
Addick na ako sayo Nicka
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Nicka Lyrics