Ligaw tingin

Di ko man ninais na magustuhan kita
Sa paningin ko ikaw ay sobrang ganda
Isa kang diwatang nakakapukaw ng mata
Sa lakas ng dating mo sakin di ka maalis sa isipan ko
Ako ay nabihag mo ng di sinasadya
Kung pwede nga lang sana ikaw ay sakin na lang
Kaso hindi ata pwede
Dahil masyadong mataas ang katulad mo
Kaya hanggang ligaw tingin na lang ako sayo
At kung sasabihin ko man to sayo
Baka mapahiya lamang ako kaya

[Chorus]
Hanggang ligaw tingin nalang ako sayo
Dahil di kita kayang abutin
Kuntento ng ikaw ay nakikita ko
Sa panaginip na lang kita mahahagkan
Hindi na bale, basta ikaw nasisilayan ko'y ayos na

Masilayan lang kita ay buo na ang araw ko
Lumiliwanag ang mundo
Mga larawan mo palagi ang tinitingnan ko
Lungkot ay napapawi napapalitan ng saya
Pag magulo ang isipan ko iyong tinutuwid
Sa makatuwid, ikaw ay gamot pag merong pighati
Na nararamdaman sana ay kapiling kita
Gagawin lahat para sayo kahit mahirap pa
Susungkitin ang mga bituin
Kahit na malabo na maabot ko 'to
Na para bang ikaw
Papano ko susundin ang sigaw
Ng pusong tinatanaw ay ang tulad mo
Eh hanggang dito na lang sa sulat ko
Kayang idaan ang damdaming nagsasabing ikaw ay
Sundan ko
Pero ang kausapin ka ng harapan ay di ko kaya
Pagpasensyahan mo na ko sana kahit

Repeat Chorus

Di ko lubos maisip kung bakit ako ay tinamaan sayo
Lalo na pag ikaw ay nakangiti, ang ganda ganda mong
Tingnan, pagmasdan ang sarap mong yakapin sinta
Ano man ang isuot mong damit ay yong nadadala
Kahit di kulay pink ay ang tamis mo sa mga mata ko
Walang halong green sa isip ko
Muka mo ang laging nakikita ko
Ewan ko ba kung bakit ba nahulog na yata sayo
Ang puso kong 'to na lubos na nabighani sa tulad mo

Hindi ko akalain
Na ako ay iibig sa isang tulad mo
Ngunit pano ba, anong aking magagawa
Akoy walang lakas ng loob.

Repeat Chorus
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Ligaw Tingin Lyrics

Curse One – Ligaw Tingin Lyrics