Di malaman ang laman ng isip mo
Hanggang ngayon, walang napapala
Kahit kanina pa tayo magkasama
Para bang wala itong patutunguhan

Chorus:
Kaya sana nama'y makinig ka na
Para hindi nagmumukhang tanga
Paulit-ulit, paulit-ulit
Di ka pa ba nagsasawa?
Sana nama'y malaman mo
Na ako'y inlababo sayo
Ayoko ng ulitin pa
Nahihirapan lang ako sa'yo

Tatlong oras na tayong magkausap
Sa telepono, hindi pa rin alam
Kung may pag-asa pa
O dapat bang umasa
Maguumaga na, wala ng ma-kwento

Ang linaw sana ng mundo
Kung hindi ka lang sana malabo
Ikaw ba'y nalilito?
Sa pag-ibig ko sayo.

'Wag ka na ngang mag-maang maangan pa
Dahil lalo lang gumugulo
Madami pa sana akong gustong sabihin.
Kaya lang wala ng tinta ang ballpen ko.

Chorus:
Kaya sana nama'y makinig ka na
Para hindi nagmumukhang tanga
Paulit-ulit, paulit-ulit
Di ka pa ba nagsasawa?
Sana nama'y malaman mo
Na ako'y inlababo sayo
Ayoko ng ulitin pa
Nahihirapan lang ako sa'yo, sa'yo
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Paulit-ulit Lyrics

Cunejo – Paulit-ulit Lyrics

More Cunejo lyrics