Nalilito, naliligaw
Ang puso ko'y sumisigaw
Naghahanap ng paraan
Naglalakbay ang isipan
Naghihintay na dumating
Nagwawala, napapraning
Nahihilo, nasusuka
Ang oras ay nilimot na

Ang sabi mo'y di mo ko maiiwan
Ang sabi mo'y lagi kang nariyan
Bakit ngayon kung kailan kailangan
Ay di matagpuan
Nasan ka?

Nalulungkot, nagiisa
Naglalaho ang pagasa
Nanghihina nanalalamig
Ang mga kamay ay nanginginig
Bumubulong ngunit sumisigaw
Hinahanap ang di matanaw
Nahihilo nasusuka
Ang oras ay nilimot na

Ang sabi mo'y di mo ko maiiwan
Ang sabi mo'y lagi kang nariyan
Bakit ngayon kung kailan kailangan
Ay di matagpuan
Nasan ka?

Masyado mo
Kong nilibang
Di napansin
Na ika'y wala na
Masyado mo
Kong nilibang
Di napansin
Na ika'y wala na
Masyado mo
Kong nilibang
Di napansin
Na ika'y wala na
Masyado mo
Kong nilibang
Di napansin
Nawala na

Ang sabi mo'y di mo ko maiiwan
Ang sabi mo'y lagi kang nariyan
Bakit ngayon kung kailan kailangan
Ay di matagpuan
Ay di matagpuan
Nasan ka?
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Nasan Ka Lyrics

Crude Oz – Nasan Ka Lyrics