Tuwing kita'y nakikita
Ako'y natutunaw
Parang ice cream na bilad
Sa ilalim ng araw

Ano ba naman ang sikreto mo
At di ka maalis sa isip ko
Ano bang gayuma ang gamit mo
At masyado akong patay sa'yo

Di na makatulog
Di pa makakain
Taghiyawat sa ilong
Pati na sa pisngi
Sa kaiisip sa'yo
Taghiyawat dumadami

Tuwing kita'y nakikita
Ako'y natutunaw
Tuwing daan sa harap mo
Puso ko'y dumudungaw

Kelan ba kita makikilala
Sana'y malapit na
Malapit na
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Pers Lab Lyrics

Cooky Chua – Pers Lab Lyrics

More Cooky Chua lyrics