Huwag mong sabihing ika'y hamak
Kahit na isang mahirap
Pagkat ang tangi kong pag-ibig
Ganyan ang hinahanap

Aanhin ko ang kayamanan
Kung ang puso'y salawahan
Nais ko'y pag-ibig na tunay
At walang kamatayan

Maala-ala mo kaya
Ang sumpa mo sa akin
Na ang pag-ibig mo ay
Sadyang di magmamaliw

Kung nais mong matanto
Buksan ang aking puso
At tanging larawan mo
Ang doo'y nakatago.

Di ka kaya magbago
Sa 'yong pagmamahal
Hinding-hindi giliw ko
Hanggang sa libingan

O kay sarap mabuhay
Lalo na't may lambingan
Ligaya sa puso ko
Ay di na mapaparam

Maala-ala mo kaya
Ang sumpa mo sa akin
Na ang pag-ibig mo ay
Sadyang magmamaliw
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Maala-ala Mo Kaya Lyrics

Constancio De Guzman – Maala-ala Mo Kaya Lyrics

More Constancio De Guzman lyrics