Lumuluha,
Unti-unting nararamdaman
Pagkawasak ng aking puso
Nagtataka
Bakit nga ba ika'y pinakawalan, ika'y aking sinuko

Refrain:
Siguro'y di ko maalis
Ang katotohanang ako parin ay umaasa (2x)

Chorus:
Baka Sakali makita mo ulit ako at matantong di mo kayang mawala ako sa piling mo
Baka Sakali mawala ang sakit saking puso at mapalitan ng tuwa sa piling mo
Ako'y patuloy na umaasa
Na siya'y isang panakip butas lang
Handa akong magpakatanga
Basta'y makapiling ka lang sinta
Baka Sakali tayo pa rin hanggang huli
Baka Sakali mahalin mo akong muli

Nagmumukmok
Sa isang sulok
Nakatitig sa litrato nating dalawa
Nakatutok
Nagmumuni-muni
Sa'ting nakaraan, sa ala-alang pinagsaluhan

(Repeat Refrain and Chorus)

Bridge:
Akala ko'y kaya ko nang makita kang muli
Akala ko'y tanggap ko na ang nangyari
Ngunit heto, nakatayo
Patuloy na,
Nagbabaka sakali
Pakinggan mo ang tibok ng aking puso
Sinisigaw ang pangalan mo

(Repeat Chorus)
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Baka Sakali Lyrics

Cleo Engco – Baka Sakali Lyrics

More Cleo Engco lyrics