Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe
Matayog ang pangarap ng matandang bingi
Umihip ang hangin, nawala sa paningin
Sigaw ng kahapon, nilamon na ng alon
Malabo ang tunog ng kampanilya ni Padre
Maingay ang taginting, rosaryo ng babae
Nay... Nay... Nay... Nay...
Nay... Nay... Nay... Nay...

Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe
Matayog ang pangarap ng matandang bingi
Hinuli ang ibon, pinagsuot ng pantalon
Tinali ng pisi, hindi na nagsinturon
Dumaan ang jeepney at gumuhit pa sa kalye
Mauling ang iniwang hindi na tinabi
Nay... Nay... Nay... Nay...
Nay... Nay... Nay... Nay...

Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe
Matayog ang pangarap ng matandang bingi
Pinilit umawit, ang naglaro'y isang ingit
Lumuha ang langit at ang mundo ay nanliit
Kumakaway sa bakod ang anghel na nakatanod
Sumusuway sa utos, puso'y sinusunod
Nay... Nay... Nay... Nay...
Nay... Nay... Nay... Nay...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Saranggola Ni Pepe Lyrics

Celeste Legaspi – Saranggola Ni Pepe Lyrics

More Celeste Legaspi lyrics