Ahh...

Laging may nagsasabi
Pag-ibig muna'y iisantabi
Dahil bata pa raw ang katulad ko
At baka magsisi lang sa huli

Ako'y laging nakikinig
Ngunit minsa'y napipilit
Dahil may kakaibang nadarama
Nguni't 'di ko lang alam kung bakit

Chorus
Kanino ba ako lalapit
Upang sabihin ang laman ng dibdib
Kung mayro'n mang manliligaw sa akin
Agad ko ba siyang sasagutin
O maghihintay ng tamang panahon
'Pagkat darating naman din iyon

Ang susundin ko ba ay kayo
O ang bulong ng puso ko
Ngunit huwag daw akong magmamadali
Baka ako ay magkamali

Repeat Chorus

Ad lib

Repeat Chorus

O maghihintay ng tamang panahon
'Pagkat darating naman din iyon
Darating 'yon, ahh
Darating 'yon, ooh
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Kanino Ba Lyrics