Ilang hakbang papalayo
Sa bawat singhot, ako'y napapaso
Hinahanap ka na ng langit
Saan kita itatago?

Ang buhay 'di mahalaga
Kung ika'y hindi makakasama
Walang ibang idadalangin
O Diyos ko, 'wag kang agawin sa akin

Kislap ng 'yong mga mata
Ang siyang nagbibigay ng kulay
Mga bulong ng hangin na nag-uugnay
Sa'yo at sa 'king buhay

Ang buhay 'di mahalaga
Kung ika'y hindi makakasama
Walang ibang idadalangin
O Diyos ko, 'wag kang agawin sa akin

At sayong paglayo
Tangay-tangay mo ang buhay ko
Sa bawat pintig ng puso ko
Aking dalangin, 'wag kang agawin sa akin

Ang buhay 'di mahalaga
Kung ika'y hindi makakasama
Walang ibang idadalangin
O Diyos ko, 'wag kang agawin sa akin

Gagawin ang lahat
Huwag kang agawin sa akin
Gagawin ang lahat
Huwag kang agawin sa akin

Gagawin ang lahat
Huwag kang agawin sa akin
Gagawin ang lahat
O diyos ko, huwag kang agawin sa akin
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Takipsilim Lyrics

Callalily Band – Takipsilim Lyrics

More Callalily Band lyrics