Katulad ng apoy ang pag-ibig natin
Katulad din ng patak ng ulan
Diba't pag-ibig ang nagbuklod sa atin upang magkaisa?
Sa panahon ng lungkot at alinlangan tayo ay magkaramay
Sa ligaya't mga kabiguan tayo'y magkasama

Sa init at lamig ng lansangan nabuhay ang ating awit
Tulad ng isang bagong umaga liwanag ang hatid nya
Malayo pa ang ating lalakbayin, maraming awit pang lilikhain
Hangga't isa ang puso at damdamin laya ay darating din

Ang ating awit ay awit ng kalayaan
Ang ating himig ay pag-ibig
Hanggang kayo ay kasama ko lilikha tayo ng awit
Apoy itong magliliyab sa magdamag
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Ang Ating Awit Lyrics

Buklod – Ang Ating Awit Lyrics

More Buklod lyrics