Nais mang itago
Takot lang mabigo
Damdamin ko

Pilit binabago
Mga tanong ng isip ko,
Tunay ba 'to?

Sa piling mo'y walang lungkot
Sa'yo ako'y buong buo

Bihag mo yaring puso
At parang biro
Na sa iyo
Ay mahulog

Bihag mo aking puso
At parang biro
Nababaliw dahil sa'yo
Bihag mo.
Bihag mo.

Tuloy tuloy sa isip
Di ko na mapigil
Damdamin ko, damdamin ko.

Pangako sa sarili
Di na nga ba iibig
Bakit ganito?

Sa piling mo'y walang lungkot
Sa'yo ako'y buong buo

Bihag mo yaring puso
At parang biro
Na sa iyo
Ay mahulog

Bihag mo aking puso
At parang biro
Nababaliw dahil sa'yo

Di mo man nababatid
Sa'yong sulyap naaaliw

Itong puso'y umaawit
Isang himig na kay tamis
Pakinggan mo,
Iyong dinggin
Mga labi'y sinasambit

Bihag mo yaring puso
At parang biro
Na sa iyo
Ay mahulog

Bihag mo aking puso
At parang biro
Nababaliw dahil sa'yo

Bihag mo...

Bihag mo yaring puso
At parang biro
Na sa iyo
Ay mahulog

Bihag mo aking puso
At parang biro
Nababaliw dahil sa'yo

Bihag mo...
Bihag mo...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Bihag Lyrics

Bryan Termulo – Bihag Lyrics

More Bryan Termulo lyrics