Heto na naman ako
Nananaginip nang gising
Iniisip ang ating kahapong nakalipas
Kay saya ng ating pagsasama
Ngunit bakit biglang nawala na parang bula

Sana'y 'di mo malimutan
Ang ating pinagsamahan
Kung sakali mang
May minamahal ka ng iba
Pipilitin ang sarili na maging masaya
At kung sakaling ika'y babalik
Ako'y nandito lang
Kung sakali man

Heto ka na naman
Naglalaro sa aking isipan
Paano ba matatakbuhan ang nararamdaman
Gusto kitang makitang masaya
Paano na kung sa iba ka na liligaya

Sana'y 'di mo malimutan
Ang ating pinagsamahan
Kung sakali mang
May minamahal ka ng iba
Pipilitin ang sarili na maging masaya
At kung sakaling ika'y babalik
Ako'y nandito lang
Kung sakali man

Ako sana'y dinggin umaasa pa rin
Ang puso kong ito'y 'di bibitiw

Sana'y 'di mo malimutan
Ang ating pinagsamahan
Kung sakali mang
May minamahal ka ng iba
Pipilitin ang sarili na maging masaya
At kung sakaling ika'y babalik
Ako'y nandito lang
Kung sakali man...

Kung sakali man
Ako'y nandito lang...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Kung Sakali Man Lyrics

Angeline Quinto – Kung Sakali Man Lyrics