Verse I
Kahit sa'n man ako makarating
Maging sa ibayong-dagat man ako dalhin
Ang pangakong binitiwan ay dadamhin
Di maglalaho, ito'y aking tutuparin

Verse II
Namulat sa dakila mong lupain
Nasilayan na rin ang 'yong gandang angkin
Sumapit man ang araw na ika'y di mapansin
Ang himig na ito'y sasambitin

Chorus:
Lungsod ng Cotabato
Bumabangon sa anumang hamon
Malayang adhikain
Patungo sa landas na inaasam

Lungsod ng Cotabato
Ang hiwaga ay humahalina
Mga pagsubok ay kinakaya
Namumukod-tangi ang iyong taglay

Verse III
Kahit ilang unos pa ang dumating
Makakaahon sa lahat ng suliranin
Sa bawat hirap ay mayroong katapusan
Ang panalangin ay lagi Nyang pakikinggan

Verse IV
Sa bayan na aking pinagmulan
Hindi pa man malinaw ang kahihinatnan
Mananaig ang pagkakaisa upang mahagkan
Ang minimithing kaunlaran

(Repeat Chorus twice)

Pag-asa sa iyo'y walang hanggan
Pangako di kita tatalikdan...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Himig Ng Cotabato Lyrics

Alfie Cereza – Himig Ng Cotabato Lyrics

More Alfie Cereza lyrics