Nakatingin sa kalangitan
Naghahanap ng kasagutan
Sa tanong mo sa akin
Bakit magulo ang damdamin
Bakit kapos sa kasiyahan

Nalulungkot ba tuwing mag-isa
Nauubusan ng kakilala
Sa tulong ng mga bituin
At sa himig ng hangin
Tuturuang muling tumawa

Di mo ba napapansin
Unti-unting dumidilim
Kaya sumama sa akin
At ikaw ay dadalhin
Sa hardin ng mga bituin
Doon buong mundo'y pawang sa atin lamang
Sa hardin ng mga bituin
Problema ay isantabi
Magsasaya lang buong gabi

Nag-iisa sa kalawakan
Naglalaro ang kamalayan
Magulong pag-iisip
Malabo ang panaginip
Kaya ikaw ay aking tutulungan

Di mo ba napapansin
Unti-unting dumidilim
Kaya sumama sa akin
At ikaw ay dadalhin
Sa hardin ng mga bituin
Doon buong mundo'y pawang sa atin lamang
Sa hardin ng mga bituin
Problema ay isantabi
Magsasaya lang...

Sa hardin ng mga bituin
Doon buong mundo'y pawang sa atin lamang
Sa hardin ng mga bituin
Problema ay isantabi
Magsasaya lang buong gabi...
Buong gabi...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Bituin Garden Lyrics

Aizo – Bituin Garden Lyrics