Sabi nila, “Hindi mo kaya, ” huwag kang padadala;
Huwag mong isipin, huwag mong pansinin, sila’y mapanghusga.

Refrain:
Talas ng iyong isipan at puso, buong lumiliyab…
Doon magmumula ang iyong lakas…

Chorus:
‘Di ka nag-iisa, sa’yo’y may nagmamahal;
Doon nagmumula ang iyong pag-asa,
Ngayon ay kumilos ka at magtiwala;
Sa iyong sarili nagmumula ang liwanag.

Sa agos ng buhay, hindi maiwasang ikaw ay masaktan;
Patuloy lumaban, at huwag mong takasan bigat ng iyong pasan.

Refrain:
Talas ng iyong isipan at puso, buong lumiliyab…
Doon magmumula ang iyong lakas…

Chorus:
‘Di ka nag-iisa, sa’yo’y may nagmamahal;
Doon nagmumula ang iyong pag-asa,
Ngayon ay kumilos ka at magtiwala;
Sa iyong sarili nagmumula…

Coda:
‘Di ka nag-iisa (‘di ka nag-iisa), sa’yo’y may nagmamahal (sa’yo’y may nagmamahal);
Doon nagmumula ang iyong pag-asa,
Ngayon ay kumilos ka at magtiwala;
Sa iyong sarili nagmumula…
Ang liwanag, ang liwanag…
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Liyab Lyrics

Aicelle Santos – Liyab Lyrics