Kahit na mauhaw
Kahit na manginig sa ginaw
Kahit na magutom
Kakayanin ko roon

Kahit na malayo
Kahit na maalon
Kakayanin ko lahat ng iyon
Marating ko lang doon

Huwag mo lang ipilit
Na wala akong puwang sa'yo
Huwag mo lang ipagkait ang mundo mo
Tiyak matatalo ako, sa labang ito

Kahit na malalim
Kahit na madilim
Kahit na malakas man ang hangin
Pipilitin kong makarating

Kahit na bumagyo
Kahit na mabato
Lalabanan ko lahat ng gulo
Magkasama, magkaramay lang tayo
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Kahit Na Lyrics

Agaw Agimat – Kahit Na Lyrics