Bukas ay may bagong araw
Na sisikat na bahagya ang ningning
Kahit ang ulap nagpapakulimlim
Pilit sumisilip ang gintong liwanag
Naghihintay, nagaabang
Sa likod ng tabing

Pakiusap sa'yo kung susulyap ka man
At kahit minsan
Sana'y may ngiting para sa akin
Pakiusap sa'yo kung lilingon ka man
May awit ng pag'ibig
Na hatid ng hangin

Tulad ng ngiti mong matipid sumilay
Pilit sumisilip paminsan minsan
Hindi man malimit, hindi man palagi
Pagka't ang ngiti mong sumilay sa labi
Ay tulad ng ngiti ng araw
Sa likod ng ulap

Pakiusap sa'yo kung susulyap ka man
At kahit minsan
Sana'y may ngiting para sa akin
Pakiusap sa'yo kung lilingon ka man
May awit ng pag'ibig
Na hatid ng hangin
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Pakiusap Lyrics

Acel – Pakiusap Lyrics

More Acel lyrics