Nagsimula na ang handaan
Nag-imbita na ng kaibigan
Sa kabilang bahay ay may kantahan
At meron pang inuman

Dumating na'ng mga balikbayan
Mga apo'y nagtatakbuhan
Kabataang lumaki sa bayan
Ngayo'y nandito na
May dala-dalang pasalubong
Ganito sa aming baranggay pag fiesta ay dumating

(Fiesta)
Tara na sa aming lugar
Isama'ng buong barkada
(Fiesta)
Tara na sa aming lugar
Lahat ay nagkakasiyahan

Wag kang pahuhuli
Baka wala ka nang maabutan

Nagsimula na ang santa crusan
At meron pang sayawan
Sa tapat ng simbahan ay may naglalaro ng palo-sebo
At may gumugulong para sa buko
Ganito sa aming baranggay pag fiesta ay dumating

Wag kang pahuhuli
Baka wala ka nang maabutan

(Fiesta)
Tara na sa aming lugar
Isama'ng buong barkada

Ganito sa aming baranggay
Ganito sa aming baranggay
Ganito sa aming baranggay pag fiesta ay dumating

Fiesta!
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Fiesta Lyrics

6 Cycle Mind – Fiesta Lyrics

Songwriters: HERNANDEZ, JUAN
Fiesta lyrics © Sony/ATV Music Publishing LLC

LyricFind
Lyrics term of use