Kulang na kulang ba hindi pa ba sapat
Inubos kong lahat panahon kong sayo
Anong gagawin di mo pinapansin
Hetong damdamin aking paglalambing

Pagmamahal ko sayo hindi pa ba sapat
At bakit lagi mo nalang sakin sinusumbat
Ang paglalambing na saiyo ay aking nilalaan
Mukhang di ka pa kuntento at sadyang kulang
Saan nagkulang ano bang kailangan
Pinupunan kong lahat pero sinasayang mo lang
At di mo pa pinapahalagahan
Pinapamukha mo pa na akoy walang karapatan

Nais ko sana sayo ay tanungin
Lahat ng sasabihin ay bigyan mo ng pansin
Hindi ako makahinga nang narinig ko sayo ang lahat
Pag-ibig dating nilaan sayo hindi pa ba sapat
Kay bigat ng pasanin na aking nararamdaman
Nang malaman ko ang lahat hindi mo man nasuklian
Ang pagmamahal na ipinadadama ko sayo
Kay hirap palang umibig sa isang katulad mo

Kulang na kulang ba hindi pa ba sapat
Inubos kong lahat panahon kong sayo
Anong gagawin di mo pinapansin
Hetong damdamin aking paglalambing

Pagmamahal na saiyoy binigay
Sumpang pang habang buhay na tayoy magkaagapay
Ngunit bakit biglang bumitiw sakung kamay
Anong nagawang mali at pusoy tumanglaw
Ang mawalay sa piling mo'y anong sakit
Mapaglarong panahon oh bakit ba kay lupit
Saan nagkamali saan ba ako nagkulang
Bakit pagiging tapat sayoy isang laro lang

Akoy sumulat ng munting awitin upang iyong dingin
Ang lahat ng nais sabihin at nais iparating
Na ikaw lang ang laman
Bakit nga ba nagkaganyan
Wala nakong ibang hinangad kundi ay mapunan
Ang lahat ng pagkukulang lahat ng kalungkutan
Lahat ay ginawa upang sayo ay mapatunayan
Ngunit sa isang banda lahat ito ay nasayang
Hindi ko nga malaman kung san ba ako nagkulang

Kulang na kulang ba hindi pa ba sapat
Inubos kong lahat panahon kong sayo
Anong gagawin di mo pinapansin
Hetong damdamin aking paglalambing

Hindi mo ba napupuna hindi mo ba napapansin
Kulang paba sayo ang aking paglalambing
Binuhos ko na nga sayo lahat ng oras ko
Ngunit bakit di mo madapa pag ibig ko sayo

Nais ko sanang hindi isipin
Ang mga bagay na ginagawa mo lagi sakin
Upang hindi ko magawang mag isip ng masama
At kahit kailan hindi ko magawang kumaliwa

Masyado mo akong binaliwala
Pinapaasa mo lang ako sa wala
Pag ibig mo saakin iyong pinagdamot
Dating kaysa napalitan ng lungkot

Halos bumuhos ang aking luha sayong ginawa
At kahit kailan ay wala akong pinakitang masama
Sayo at kahit na naggisa ako sa mga araw
Na dapat ay kasama ka ngunit ngayon ay nasan ka
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Kulang Na Kulang Ba Lyrics

50 Killaz – Kulang Na Kulang Ba Lyrics

More 50 Killaz lyrics