Kahit na wala ka na
Nagpaalam at sumama sa iba
Hinding hinde maaalis sa damdamin ko
Alaala at ang pangalan mo
Sanay malaman mo(sanay malaman)
Pangungulila ko(pangungulila ko)
Magmula nang lisanin mo
Ang puso kung ito

Sanay malaman mo(sanay malaman)
Pangungulila ko(pangungulila ko)
Magmula nang lisanin mo
Ang puso kung ito

Paalam na hanggang dito nalang siguro talaga
Kailangan pa bang pagpilitan lalo na kung di na masaya
Lahat naman ay aking gnawa hanggang sa huli
Akoy intiyupwera mo at iniwan sa isang tabi
Habang ikay nag sasaya ako nagdadalamhati
At sa iyong puso ako pala ay may kahati
My nagawa mang mali aking ng pinag sisihan
Ang hirap tanggapin
Na ako ay iyong iniwan ng basta na lang
At ikay biglang nag-iba
Kaya pati ang puso ko ngayon parang ginigiba
Mababalik pa kaya ang mga dumaang kahapon
Kung puro hapdi at sakit at galit na ang na ipon
Sadyang nahihirapan man ang aking puso
At minsan na inisip ko na hindi sumuko
Pero ikaw na ang bumitaw at nag bigay ng sinyales
Kaya wala ng magagawa kahit mahalin
Kta ng ilang beses at

[Chorus:]

Kahit na wala ka na
Nagpaalam at sumama sa iba
Hinding hinde maaalis sa damdamin ko
Alaala at ang pangalan mo
Sanay malaman mo(sanay malaman)
Pangungulila ko(pangungulila ko)
Magmula nang lisanin mo
Ang puso kung ito

Sanay malaman mo(sanay malaman)
Pangungulila ko(pangungulila ko)
Magmula nang lisanin mo
Ang puso kung ito

Ilang beses kung iniisip
Kung anu bang nararapat
Sa relasyon na labis nagdudulot skin ng sugat
Na hindi ganun kadaling hilumin kung kaya (kung kaya)
Di kaya ng damdamin na tumagal
Ang pagsasama natin na hindi mo naman nagagawang mahalin
Ang katulad ko na walng ginawa kundi pumilit at lumingon
Sa inyong pagtingin subalit binalewala
Ang mga pagsuyo ko sa iyo
Bagamat batid mo na pag ibig ko sa iyo ay totoo sinta
Kahit na alam kona ganito ang patutunguhan ay di ako nagbago
Anu mang uri mang sakit
Ang siyang maramdaman ay di ganun kadali para mawala
Ang siyang nilaan ko na pagmamahal
Pero kailangan na palayain na kita
Tuluyan ko nang bitiwan
Limutan ng lubos at sabihin na ayoz lang
Sa akin na paalam na

Pinag-isipan ang mga bagay
Bago tuluyan mamaalam
Upang mapanatag na lumikas
Na wala ng agam-agam
Na halos hindi inisip ang nadaramang pighati
O bumalik sa alala ang naiibang sandali
Na pinagsamahan mga ngiting pinagsaluhan
Walang tulak kabigin sa bagayna ating pinagdaanan
Ngunit bakit ganun sa pag ibig ay walang tiyak
Na wala ng pusong magdurusa at wala ng iiyak
Ni sa isip ay hindi inaasan
Ang sumpa na masisira
At ngayon na panahon na aakma ayaw ko mang gawin
Ngunit kailangan gawin ito
Dahil tangin ako and siyang makakalutas nito
Puso ba o ang utak ang siyang dapat pailarin
Upang maluwag na matangap ang sakit na dadanasin
Para sa atin ito ba yung tinatawag mong wakas
At paalam ang huling salitang aking mabibigkas

Pakingan mo ang mga sasabihin ko
Na kahit wala kana ay naghihintay pa rin ako
Na kahit na sinaktan mo ako ng ilang taon ang lumipas
Na pagmamahalan sakin binaon
Dahil hindi ko makalimutan ang ngiti na iniwan mo sakin
Kahit pa na sandali na wala kana at iniwan mo akong magisa
Pero tuloy pa rin naghihintay
Na sanay mag iba ang panahon muli ka sakin bumalik
At atin ng paghatian ang hinanda ko ng halik
Kahit akoy mukhang tanga na nagpaalam kana sa akin
Di pa rin makalimutan ang pag agos ng dadamin
Dahil ikaw lang ang mahal at wala ng iba
Kahit ikaw ay lumayo at din na babalik pa
Paalam na aking mahal kung di mo babalikan
"ikaw pa rin ang mahal ko kahit ilang taon ang dumaan"

[Chorus:]

Kahit na wala ka na
Nagpaalam at sumama sa iba
Hinding hinde maaalis sa damdamin ko
Alaala at ang pangalan mo
Sanay malaman mo(sanay malaman)
Pangungulila ko(pangungulila ko)
Magmula nang lisanin mo
Ang puso kung ito

Sanay malaman mo(sanay malaman)
Pangungulila ko(pangungulila ko)
Magmula nang lisanin mo
Ang puso kung ito

Aawit ako at iaalay ko sa iyo
Para sa mga sandali na lagi tayong masaya
Bakas ang ngiti sa mga labi
Magkahawak ating kamay alalala (mahal na mahal kita)
Pilitin mo man ako o kahit gulong gulo man ako ay wag mag-alala
Paalam na naiintindihan ko ang lahat
Kahit na gaanu kabigat ay pipilitin kong kakayanin
At dadaanin na lang sa dalangin (paalam na sa iyo)

Kapag sumubra na siguro ay dapat ng hayaan
Di man ako nagging mayaman pero di kita pinabayaan
Binigay ko nang lahat
Nagmahal na ng tapat
Pero ang dating sayo'y parang di parin sapat
Binago ko ang aking buhay para lamang sa iyo
Na umaasang balang araw ay magiging tayo
Isang pangarap na biglang mawawala ng saglit
Tatlong taon mo akong nakasama nakuha mong ipagpalit
Dapat nga akoy magalit pero di ko ginawa
Sa halip ako pa yata ang nagiging masama
Sabihin man nilang akoy baliw at sayo'y tanga
Wag ko lamang marinig na may mahal ka nang iba
Kailangan ba na magpaalam at taposin na to
Alam mong ikaw ang dahilan kung bakit ako ganito
Huling tanong nalang mayron pa bang solusyon
Na magbalik sa dati ang ating magandang relasyon

Chorus(2x)

Kahit na wala ka na
Nagpaalam at sumama sa iba
Hinding hinde maaalis sa damdamin ko
Alaala at ang pangalan mo
Sanay malaman mo(sanay malaman)
Pangungulila ko(pangungulila ko)
Magmula nang lisanin mo
Ang puso kung ito

Sanay malaman mo(sanay malaman)
Pangungulila ko(pangungulila ko)
Magmula nang lisanin mo
Ang puso kung ito

Wag kang mag-alala
Lahat ay lilipas din sinta
Darating din ang panahon na
Malilimut din kita...
Paalam na.
Paalam na...
Paalam na...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Paalam Na Lyrics

187 Mobstaz – Paalam Na Lyrics

More 187 Mobstaz lyrics