Yuki: Bakit kapag tumitingin ka natutunaw ako,
Bakit kapag lumalapit ka kumakabog ang puso ko
Bakit kapag nandito ka sumasaya araw ko
Lahat ng bagay sa mundo parang walang gulo

Anjo: Bakit kapag nakikita ka parang nasa ulap ako
Bakit kapag kausap kita nauutal-utal sayo
Bakit kapag nandito ka nababaliw ako
Nababaliw sa tuwa ang puso ko

Chorus
Sa isang sulyap mo ay nabihag ako, para bang himala ang lahat ng ito,
Sa isang sulyap mo nabighani ako, nabalot ng pag-asa ang puso,
Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo, ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay,
Sa isang sulyap mo ayos na ako, sa isang sulyap mo, napa-ibig ako

Kim: Bakit kapag kasama kita ang mundo ko'y nag-iiba
Bakit kapag kapiling kita ang puso ko'y sumusigla

Goldmon: Bakit kapag nandito ka problema ko'y nabubura
Ikaw ang aking pag-asa at ang tanging ligaya

(REPEAT CHORUS 2x)

Yuki: sa isang sulyap mo, ayos na ako
Sa isang sulyap mo, napa-ibig ako...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Sa Isang Sulyap Mo Lyrics