[Verse:]
Pagmulat ng aking mata,
Ay pagluksa ng langit.
Libong dalangin at patak ng ating dugo.
Pagtangis ng digmaan ay nag anyong hangin,
Ngayo'y umihip sa lupang pangako.

Verse 2
Perlas ng Silanganan na may kinang ng galit,
Tuyong damdamin sa rehas na bato,
Kinalimutan ang tugon sa laban ng lahi,
Na ang mamatay ng dahil sayo

Chorus
Tayo ang liwanag sa gitna ng dilim,
Murang kaisipan sa lumang layunin,
Ito ang pagtawag sa gitna ng dilim,
Murang kaisipan sa murang layunin.

Verse 3
Gumising ka mandirigma,
Ating ipahiwatig sa tatlong bituin ang kalatas ng ating lupon,
Walong sinag ng araw sa pagdilim ng langit,
Ating buhayin ang sigaw ng ating dugo.

Respertar (3x)
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Respertar Lyrics

13th Omen – Respertar Lyrics