Verse 1:
Ikaw ang siyang may dala ng bandila ng pag-asa
Matang matatalim at nagngingit-ngit na ngipin
Iahon mo sa lusak ang iyong kapatid
Lakas sa lakas, bisig sa bisig
Refrain:
Ngunit huwag pabulag sa panahon
Magmulat, wag lumimot na lumingon
Magbigay pugay sa mga nilalang na nagdugtong ng lupa para sa iyong paghakbang
Ohh!
Chorus:
Dito sa mundong puno ng sumpa,
Mata sa langit paa sa lupa
Verse 2:
Ikaw ang siyang may akda ng sarili mong tadhana
Iluwal mula sa dilim ang nagkukubli mong lihim
Ikaw ang siyang bantayog ng paghihimagsik
Lakas sa lakas, bisig sa bisig
Bridge:
Bisig sa bisig 8x
Outro