Slapshock - Langit lyrics | LyricsFreak
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Langit Lyrics

Slapshock – Langit Lyrics

Gulong gulo ang isip sa bawat sandali
Namulat ang aking mata sa paghihinagpis
Namamatay na ang ilaw sa gitna ng gabi
Liwanag ay naglalaho kasama ang ngiti

At ngayon ay magbabalik sa iyo, dala ang panalangin ko
At ngayon ay haharapin ang mundo, na kasama mo ako
Muli kong makikita, Langit sa iyong mata
Ang paghinga, ikaw ang dahilan
Muli kong makikita, liwanag sa iyong mata
Ang paghinga, ikaw ang dahilan

Unti unting nagbabago ang ihip ng hangin
Tumutulak sa akin upang ikay marating
Sana sumikat ang araw at ituro ang daan
Patungo sa puso mo at muli kang mahagkan

At ngayon ay magbabalik sa iyo, dala ang panalangin ko
At ngayon ay haharapin ang mundo, na kasama mo ako
Muli kong makikita, Langit sa iyong mata
Ang paghinga, ikaw ang dahilan
Muli kong makikita, liwanag sa iyong mata
Ang paghinga, ikaw ang dahilan

Ginising mo ang diwa ko
Di na muling lilisan pa sa piling mo
Nalibot ko na ang mundo
Nananabik makabalik sa piling mo

Ikaw ang nais sa pag gising, ikaw ang buhay ko
Ikaw ang nais makapiling, ikaw ang luha ko
Ikaw ang sinisigaw, ikaw ang nilalaman
Ikaw ang nakatatak sa puso kong ito
Ikaw ang nais sa pag gising, ikaw ang buhay ko
Ikaw!
Share lyrics
×

Langit comments