Gagong RapperMahal Kita, Mahal Mo Siya

Hindi pwedeng maging tayo yan lang ang sabi mo At hanggang kaybigan lang ang kayang turing mo Wala akong nagawa at akin na lang hinayaan At di na umiyak hanggang sa ako ay kaawaan Naghihintay sa pagdaan sa mga bulalakaw At hihilingin ko na sana sa kanya ka'y manakaw Pagkat di ko kaya na mapunta ka sa iba Pero bakit di ko matanggap na mas mahal mo sya Bakit nga ba pagibig ko di madama Ano na ang dapat kong gawin upang makuha ka Ang dala dalang regalo ay akin na lang tinago At naging malabo nang makita kang mayrong kasalo Pero di nagpatalo hanggang sa di manalo Sinubukan ko parin hanggang sa ikaw ay mapoo O uupakan ko ba sya o hahabaan ng pasensya Minamahal kita andyan ang ebidensya At kahit hindi mo pa rin ako makita Sana mahalata ang aking malubhang eksena Nasasaktan ako kapag ang kayakap mo'y hindi ako Laman at puso at isipan ay sana ay maging ako Chorus.. Mahal kita pero mahal mo sya Kahit nga ba gusto kita alam kong sya ang yong kaylangan Mahal kita pero mahal mo sya Kahit nga ba gusto kita kaylangan ba kitang iwasan? Ano ba to biglang ang mundo ko ay gumulo Nung malaman kong minamahal mo nga ay di ako Halos ako ay mabaliw pagkat di ko akalain hanggang ngayon sya pa rin laman ng yong damdamin Di ko kayang tiisin ako'y naninibugho Na para bang tibok ng puso gusto kong ihinto Sa tinagal ng panahon ako ay nagbulag bulagan Ngayon ko lang nakitang di ako ang yong kaylangan At ayoko nang ipagpatuloy pa ito ako na ngang magpaparaya kung sya nga ang gusto mo At ikaw at ako tayo'y isang ilusyon Na pinangarap ko noong magkaroon ng relasyon Pagtingin ko sayo ay di magiiba Kahit sinabi mo sa akin mahal mo'y iba Ako'y patuloy na maghihintay sa iyong pagibig Kahit na ba alam ko na ito'y mapanganib Wala akong magagawa dahil ikaw ang gusto Tamang tama ka para sa akin ikaw ay husto Ito ang ginawa ng tadhana di ko to ginusto Talagang kaylangan harapin ang mga tukso uhh... Ikaw ang nasa panaginip(panaginip) Tumatakbo sa aking isip Nagtatanong ako kung bakit(kung bakit) Sa iba ka pa kumapit(kapit) Repeat chorus... Bakit ang katulad ko sayo ay nabighani Kung meron na sa puso mo'y nagmamayari Kunwari di na kita may kasama kang iba Ano meron sa kanya na sa akin di nakita Mahirap man itong harapin at tanggapin Nagbabakasakaling na ikaw ay maangkin Na balang araw ang katulad ko ay mapansin Sana matupad ang hiling na ikaw ay maangkin Ngunit hanggang pangarap na lang ba Na mahagkan ka at makasama ka Ano ba ang aking magagawa kung minamahal mo naman ay iba Noong una kitang nakita ako'y naadik sa iyo Mga larawan mo ang tinitingnan ko Sa aking talaarawan ikaw ang nakalarawan At ikaw ang nilalaman na gusto kong pakasalan Pero lahat nagiba ng malaman ko ibang lalaki Pala ang minamahal mo Kirot at sakit sa puso ko'y dumampi At sana wag kang makaranas ng ganito kahapdi Dahil ng mahal kita pero mahal mo sya At iyong inaasam ay makasama sya Siguro nga di tayo para sa isat isa Pero sa puso ko mukha mo ang nakahulma Repeat chorus 2x
Lyricsfreak.com © 2019