Kumusta ka na? Ang tagal na nating walang balita.
Biruin mo nung naghiwalay tayo, 'yun pa yata yung huli tayong nagkita.
Ang dami ko na ring pinagdaanan.
Ikaw, kumusta ang trabaho mo?
Ako? Eto, paraket-raket, palipat-lipat, kung kani-kanino.
S'ya nga pala 'yung tanong mo, "Bakit ka nanaman ba napatawag?"
Nakita ko kasi 'yung kwintas na bigay ko sa'yo.
Sa ilalim pala ng kama nalaglag.
Grabe 'yung away natin nun, no?
Kung mag-iyakan tayo sagad-sagad.
Inabot pa nga ako ng umaga kakahanap sa'yo, kung saan-saan ka kasi napadpad.

Huwag kang mag alala makakalimutan din kita
Kung kaya't sakaling di na maibalik ang 'sang bagay na walang kapalit
Pilitin mo man na gustuhin sadyang 'di na para sa'tin

Ah, eto ako. Pinaglipasan na ako ng panahon.
May anak ka na daw, ah?
Congrats nga pala sa kasal mo nung nakaraang taon.
Pareho pala yung simbahan, 'yung palagi nating dinadaanan.
Natawa nalang ako kasi lagi kitang binibiro do'n, na doon sana kita papakasalan.

Nilalabanan ko naman 'yung sakit.
Maraming salamat nga pala sa pangangamusta.
Sabi ng mga doktor, "Pilitin mo", siguro kayang-kaya.
Nung mga nakaraan lang parang ang hirap hirap ng huminga.
Parang bawat paghinga mo, pinipilit mo na, napipigilan pa.

Hanggang may ala-alang nagkukubli at may luha sa likod ng ngiti
Sanayin mo mang 'di pansinin, nag papaalam sa'tin

Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Huli Lyrics

Maryzark – Huli Lyrics