Marikina Clan - Tunay Na Mahal lyrics | LyricsFreak
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Tunay Na Mahal Lyrics

Marikina Clan – Tunay Na Mahal Lyrics

[CHORUS:]
Nasan na ang pangako mo noong sinusuyo ako
Anong tamis anong lambing binibigkas ng labi mo
Ngunit kahit nagbago pa sa akin ang damdamin mo
Mananatili kang mahal sa puso ko

[VERSE 1:]
Kung mapapansin mo ang lubos kong pagluha
Ikaw ang dahilan at ikaw ang may gawa
Tama ba naman na sumama sa iba
Ngayong meron na ka nang minamahal at sinisinta
Puro ka pa asa puro ka pa salita
Hinihintay kita pero bakit ka kumakaliwa
Kaya ngayon san paroroon
Ang pagsasama natin na wala sa direksyon
Tanong ko lang sa yo ano ba ang aking pagkukulang
Tanong ko lang sa yo ano ba ang di ko napunan
Tapos mahal agad mo kong tatalikdan
Iiwanan mo na lang pagkatapos pagtripan
Kay sakit naman lahat halos hindi ko matanggap
Kung nagsasalita ang puso matagal nang nanumbat
Sa yong ginagawang puro kataksilan
Likas ba sa iyo na ika'y manalikdan

[CHORUS]

[VERSE 2:]
Parang kailan lang nang tayo'y nagsumpaan
Taas kamay ka pa sabi mo walang iwanan
Ngunit bakit sa sandaling ako'y makalingad
Iba ang iyong kasama at iba ang iyong kayakap
Sadya ngang masama sadya ngang maligalig
Iba'ng kinakalinya at iba ang iyong katalik
Akala ko pa naman wala ako sa yong kasalo
Akala ko mahal nag-iisa ako sa puso mo
Ngunit aking nabatid akin pang natatanto
Tumagal ang pagsasama na meron kang kalaguyo
Napakasaklap naman napakahapdi
Ang dulot ngayon dito sa aking dibdib
Halos di ko makaya halos pumatak ang luha
Dahil sa pagtaksil mo sa kin at pagbabalewala
Kaya ang puso ko ngayon walang magawa
Kung nasa kalagayan kita ikaw ay mapapaluha

[CHORUS]

[VERSE 3:]
At kung inaakala mong nananahimik lang ako
Nagkakamali ka muling babawi sa yo
I can't remember that nang ako'y iyong lokohin
Nakarami ka na bago mo ko tapatin
Coz nagparaya na nga tapos dinaya mo pa
Ang mahirap pa nito ang tumikim ay iba
In other side taga-simot lang ng tira
Palibhasa gusto mong babae iba iba
Pano mo nagawa pano mo nasikmura
How about me wala ba akong lasa
Itinaboy mo na pina-ikot mo pa
Ang di ko matanggap tinapaktapakan mo pa
Iginisa mo ko sa sariling kong mantika
Habang wala ako ikaw nama'y nagpapakasasa
Sa piling ng iba nagpapakasaya
Nagpapakaligaya lubos-lubos ang nadarama

[CHORUS]
Share lyrics
×

Tunay Na Mahal comments