top 100
·
top new
·
updates
·
submit lyrics
#
A
B
C
D
E
F
G
H
I
J
K
L
M
N
O
P
Q
R
S
T
U
V
W
X
Y
Z
Correct Nanulat Na Talunan Lyrics
Lyrics
►
Artists: C
►
Calix
►
Correct Nanulat Na Talunan
Artist:
Song:
Comment:
Lyrics:
Nag simula ang pagtingin, sa pagsilip sa computer screen Ako'y napaisip, sabi sa sarili, ika'y magiging akin din, ako'y nag message Pa-hapyaw pumuri, baka ika'y matunaw Pusong matigas baka pwedeng malusaw Sana mag reply, baka ako'y magunaw Aking kalamnan tulyan nang napukaw Ng kagandahan mong talagang tumatagos Gabi-gabi nalang ang hininga kinakapos sa kakatitig ko sayo Hindi ko na batid kahit lapnos ang aking kanang palad kaka-kayod ko Para sayo Nagiipon para pasayahin ka, sagot ko na basta naka-ngiti ka Pero alam ko na wala ka ngang idea, na gustong-gusto kita (kaya) Kada-post mo ng iyong letrato, ako'y sumasaya habang hinahaplos Iyong mukha sa salamin ng aking telepono, kelan papansin ang katulad ko? Kelan sasagutin ang mensahe ko? kelan mo makikita na ako ay tao? Kelan pa ba ako titigil kakatanong sa sarili ko "haaaay sino ba ako?" Alam ko naman, na wala akong bilang sa iyong mundo Gusto ko lang na malaman mo, ramdam ko ang iyong pasan At ako ay katulad mo pinabayaan din ng mundo Alam ko rin nam an na di kita mapilit pagka't ganito ang itsura ko [Chorus] Ang alamat ng talunan x4 Nakikita ko sayo ang sakit na aking pinagdaraanan Ang hinagpis ng inahas, kamandag na gumagapang pa sa iyong kalamnan Hindi mo ma-wari kung paano ka ginanyan, binigay mo naman ang lahat Hindi mo na nga tinirhan ang sarili, iniwan ka pa na wala kang alam Pasang tumagos pisikal espiritual, inalay mo lahat pati na ang iyong dangal Inuka sa iyong dibdib, ang kawalan. Pero bakit mabigat, di ba dapat gumaan? Ngayon ika'y nagiisa na katulad ko, bigla nalang ligaw sa lawak ng mundo Kaya ito ako ngayon, nilalapit ko ang aking kamay para kapitan mo Nabalitaan ko bigla, na sya ay nag balik. nakapaskil agad letrato nyong nag hahalikan Sa magara na hotel pa nyong napag-isipang makipagbalikan (malamang sabay kantutan) Pero bakit nakikita ko sa post mo ngayon, di naman nag bago Ganun parin, ikaw parin ay ginagago, animal parin ang kanyang pagtrato sayo Ngayon ika'y nag tatanong. Bakit ganun? Bakit ganito? Di ka maintindihan ng mga tao sa paligid mo, pero ako'y nandito Ako'y katulad mo pinabayaan ng mundo abutin ang aking kamay at itatakas din kita pero Alam ko rin naman na di kita mapilit pagka't ganito ang itsura ko [Chorus] Ang alamat ng talunan x4 Eh ganito lang talaga, hindi pinalad biyayan ng mukhang nagmula sa paghubog ng kalangitan Na mala anghel na nahulog sa mundo Ako'y hamak lamang na nilalang na umaasa sa iyo, na mapansin mo Isang kang diyosang naglalakad kasama ng mga tao Tignan mo nga ako? Sa kada pagtingin sa salamin di mapigilan ang sarili dumuwal (fuck!) Gabi-gabi nalang ako'y umiiyak, sinasaktan sarili ko, hawak aking punyal (fuck?) Para lang makar amdam, kahit katiting na pagtingin, ako'y uhaw sa pagmamahal Sa kada silip ng mga matang mapang husga, ako'y nanliliit nawawalan ng halaga Masakit tanggapin, kahit anong gawin, hindi ako ang pipipliin Kahit na anong galing, sa aking sining, (pakshet) di ako ang pipipliin Walang pam-porma, wala ring kotche walang nang pera, wala ring chongke Kaya hinding-hindi kita masisi, kaya hinding-hindi kita mapilit Na sumagot sa aking mensahe, okay lang. Kahit na dyahe Tinanggap ko na lang na di ako ka-akit-akit, nag-desisyon manahimik Isang gabi, ako'y nakatanggap, PM mula sayo ang puso ko'y lumundag Agad nalugmok noong binasa ko na, "hu u?" ang tanong, aba'y putang ina Hindi nga pala ako nagpakilala
add rows