top 100
·
top new
·
updates
·
submit lyrics
#
A
B
C
D
E
F
G
H
I
J
K
L
M
N
O
P
Q
R
S
T
U
V
W
X
Y
Z
Correct Pinipilas Lyrics
Lyrics
►
Artists: C
►
Calix
►
Correct Pinipilas
Artist:
Song:
Comment:
Lyrics:
[WYP 1] Bumibilang pabalik Sa bawat buntong hininga At pananabik Yakap-yakap ang alaala Lumbay ay napapawi Hindi masukat ang Ilang hakbang Sa mga pagitan Ano mang pagmamadali Pasulong Tila oras ay paurong Ipagpaliban pansamantala Ang pagkumot ng talukap Sa mga mata Gamu-gamong sumasayaw Dahan dahang inaakit Papalapit sa ilaw Paalala ng takipsilim Na hindi sa dilim Magwawakas Paalala ng takipsilim Na hindi sa dilim Magwawakas ang mga himig [Calix 1] Hindi ko hiniling sa sanlibutan Na ako'y isilang Na imulat ang mata Sa katotohanang ako'y walang puwang Sa kung anong planong Isinulat ng Mga nilalang na lulong sa pag sukat ng oras na tila paurong Paglalaban ko ba ang pag kontra sa agos kung sa huli din ako'y makukulong Sa kahong tinakda Huhulma Sa korteng madaling ilista Sa mga hanay nila? Tinanong mo na ba kung ang oras ba ay kailangang sundan? Gusto kong pag masdan Gusto kong pag masdan Ang buhay kong tila panggatong na lang Sa makinaryang gusto kong takasan Tick tock Kung pwede lang baliin ang kamay ng orasan Tick tock Engranahe ay sunugin para mawakasan Ang kahibangan ng mundo Na pinipilit mo ako ang sumalo Pasan-pasan ang bigat Na dulot ng mga pilosopiya niyo Ipokrito Wag kang mag salita habang natatago sa tore Ipokrito Baka gusto mo muna tignan ang iyong sarili Saka ka mamili Sino ba sa atin Ang hinihiling na oras ay sana tumigil Para lang ulitin Mga bagay na nagududulot sayo ng pighati at pagsisisi [Calix 2] Sana ba kinuha ko na Sana ba inangkin ko na Sana ba hindi ko na pinakawalan Ang pagkakataong ipagdamot sa kalahatan Ang araw, oras, segundong sinayang Na di na kailan man mababalik pa Lahat ng pintuan ay nag sara na Lahat ng tulay ay putol at giba Alam ko naman na kasalanan ko Kung aminin ko ba titigil ang mundo? Bigyan mo ako ng pagkakataon Ituwid ang landas na tinatahak ko Pangako Di na papabayaan Pangako Di na pakakawalan Pangako Pero narinig ko na yan Ang naloko mo dyan ay sarili mo lang Oras na para maging mulat (Wag mong hintayin na ang buhay mo pa ang siyang magtuturo sayo) Pagka't hindi ito titigil para lang sayo (Sa dulo nito pati ang mundo'y maaring maging kalaban mo) Kumilos pagka't [WYP 2] Bigat na dumadagan Sumisigaw Hindi alam saan dadaan Naliligaw Kahit anong paliwanag Hindi makabitaw sa patalim Hinahabol ng liwanag Ang oras ay kak ampi ng dilim Bawat araw kumukupas ang kulay Ng mundong mapaghugas kamay [Calix 3] Napagtanto Na kahit anong Pag piglas sa agos ay mas malakas ito At mas ma sakit Mas mahapdi Maging taliwas Sa mga pekeng ngiti Tama ba tong naririnig ko Pag madaling araw ay bumubulong Hahatakin daw ako sa pinaka-ilalim ng puso kong Di na tumitibok kahit katitining na kabog Huli ka na Huli mo na Ako ay lugmok sa sariling burak Sadlak sa lungkot na dulot ng Sariling mga desisyong hindi na matutuwid pa kahit kailan Iwan mo na Di ko kailangan na maisalba Ako'y may sala Buhay pa ako pero ang kaluluway Nabenta ko na Kay satanas [Bedsettler 1] Nagkaka-alaman; nagkaka-gulo Hanggang ang oras ay huminto Wala na, umikot din Ubos na ang luhang binuhos sa dilim Hindi ko naisip ang layo, ang hirap na lalakbayin Bawat tapak sa putik, pinabibigat ng hangin Sarili kong panaginip nagagalit sa akin Kaharap ang salarin sa tapat ng salamin, binigo ang lumang hangarin Daplis ng sakit, dulas sa pagtitiis hindi mabura ang damdamin Kung ang ulap ay pumapagitan para maabot ang kasiyahan Hindi titingala para hindi mahirapan Makita ang sarili sa repleksyon ng mga kagagawan [Calix 4] Sa pag sapit ng araw Alinlangan natunaw, handa ka na ba? (Handa ka na ba?) Harapin ang kadiliman sa puso mong Di na kailan maiiwasan Kakambal ng paglaban ang sakit ng kalooban at kalamnan Pero kahit ano pa yan, wag ka na matakot at ihakbang ang paa Patungo sa landas Maging mapangahas Wala ring mang yayari kung pan ay pangamba Tiyak ikay matutumba't matutuklaw ng ahas Pero sige lang, wala namang mawawala Pagka't sa simula't sapul iyong sinangla Ang kaluluwa para lang maka-larga Kaya ano pang kinakatakot mo? Kaya ano pang kinakatakot mo? [WYP 3] Ang huling pagpilas ng mundo sa iyo Balat mo ang magsisilbing wakas Dulong pahina puno ng pasa at mga galos Nakaukit pati sigaw mong nakakapaos Punitin ang Tila walang hanggang Pagyakap ng Paggapos ng mga kahapon Hilahin ang sarili palabas Mula sa paglubog Oras na para umahon Imulat ang mga matang nasanay Sa gabi at mga pagsisisi Mga sana'y ginawa ko ang mga to Mga sana'y nasabi ko sa iyo Handa ka na ba? Handa ka na bang tabunan ang mga hukay? Bago salubungin ang bukang liwayway? Ang bukang liwayway [Bedsettler 2] Naiisip ko lang Bakit nagkakaganito Ano ang hinahanap tuwing tayo'y humihinto Ang palad kumakapal Pitakang walang laman Pinipipilit mo na lamang Buhatin ang pasan Kaliwa at ang kanan Nalilito sa bawat hakbang San ba tayo nagkulang Hindi ko gustong sumuko Pero bawat pagsubok Makapaigil pulso [Calix 5] Sa paghalik sayo ng haring araw Kadiliman lang ang tanging tanglaw
add rows